Monday, August 10, 2009

Mula pagkabata'y kasama na ang KOMIKS....






Alam kong marami ang magagawi sa pagbubulalas kong ito tungkol sa usapin ng Komiks dahil sa ito ay nadidikit ngayon sa kontrobersiyal na NATIONAL ARTIST AWARD at lalo pa kapag nabasa ang pangalang Carlo J. Caparas.

Hindi ito pagtatanggol kundi isang paglalahad ng aking saloobin, hindi kay Caparas, kundi sa KOMIKS. Sa mundo ng komiks.

Alam ito ni Ding Gagelonia, hindi naman sa kailangan ko pa ng testigo para lang makapuntos. Bahagi kasi ng kuwento. Nung nag-aplay ako noon sa DZBB-GMA-7, circa 1990, may dala ako clippings ng mga articles ko sa school paper na ako ang patnugot at mga maikling kuwento at kung ano-ano pa. Siyempre, pagka-reporter ang inaaplayan ko, eh bakit may short story folder pa? Ang totoo, may kasamang drawing folder din iyun at kung nahalungkat ang bag ko noon...may minus one din. Oo, kung di ako natanggap ni Ding. may plan B ako, kay ate Helen Vela ko ipapakita ang aking mga short stories para sa Lovingly Yours Helen. At kung di naman nakapasa, abah...mailabas nga ang minus one at mag-audition ng isang song and dance number...Zsa-Zsa Padilla, Point of No Return, contest piece ko noon sa Music Mate Regional Championship, at kung di pa uli nakapasa---ay sa Atlas ako tatakbo, gagawa ng nobela sa komiks at magdedebuho! Ala Carlo J. Caparas!

Ang masasabi ko lang, HE-HE-HE! oo---dami ko plan b--may b-1, b-2, b-3....ganun kapag naguumapaw ang pagnanais mo na makaalpas sa kung ano pa man.

Going back to Carlo and to the world of KOMIKS---this medium and the names attached to this form of media are images that accompanied me through my growing up years.

Pag inuutusan akong mamalengke noon---ah kailangan may matirang kahit 50-sentimos. May sa malamig na ako, 15-sentimos, may banana-que pa, 15-sentimos, may arkila pa ng komiks sa kanto, dun ka magbabasa ha, para 15-sentimos din lang!

Di nawala ang pagmamahal ko sa komiks at sa pagdidibuho. Nang makasilip ako ng libreng oras noon, nasa media na ako, reporter na, nag-enrol ako sa klase ni Hal Santiago sa Pasay, si Hal Santiago ay isa rin sa mga higanteng pangalan sa daigdig ng komiks. Isang sakay lang, diretso mula sa Timog kaya dun ako napadpad. Kaso di ko naipagpatuloy kasi baka noon pa lang, natigok na ako, sa pagod, ala una ba naman ng madaling araw ang duty ko sa DZBB? Tapos aral pa sa hapon sa unibersidad dun sa tabi ng riles sa Sta. Mesa, tapos, minsan, ang oras ng pagtulog, di pa makukuha dahil ang kahaliling writer/producer ng newscast---abah..absinero. Ibang kuwento na yun, he-he! Baka mapangalanan ko pa. Teka, Pareng Orly T. absinero pa rin ba ang taong tinutukoy ko? Bwahahaha!!! (O pati tawa, KOMIKS!)

Wakasan man o nobela yan sa komiks---ay talagang inaabangan ko. Pero di tulad ng iba na basta komiks lang, sinabayan ko ng basa naman ng mga libro na donasyon ng mga Kano sa Base Militar noon sa Olongapo. Wala pang internet...TV nga wala sa bahay, silip lang sa kapitbahay. Nung magkaroon, parang cabinet pa, may kandado pa! Ah---komiks na nga lang.

Hindi na ako makikiambag pa sa debate ng kung sino ang nararapat o hindi, kung napulitika ang National Artist Awards o hindi, kung nasunod ang proseso o hindi---dami nang nasabi eh.

Pero sa isang mula sa hanay ng masa na tulad ko, may kirot sa dibdib na marinig na naalipusta ang isang Carlo J. Caparas at nasabihang hindi marunong mag-drawing, gayung, bata pa ako.....at alam naman ng lahat ng nasa komiks ito, lalo na nung ang industriyang ito ay namamayagpag----na marunong mag-dibuho si Carlo J. Caparas. Kung ikukumpara sa ibang dibuhista, sa aking personal na panlasa, may mga mas hihigit kay Carlo J. Caparas...andiyan si Nestor Malgapo Sr. at si Hal Santiago nga...iba ang atake naman ng pag-guhit ng mga ito....pero ang kaibahan ni Carlo J. Caparas, naiangat niya at mas napalawak ang kanyang uri ng sining. Sa salitang ingles---"he continued to evolved as an artist" na nang mamatay ang daigdig ng komiks, nang naghihingalo ito --- siya may iba nang tinatahak na mundo--pelikula.

Kung ang naging mga unang argumento ay hindi nasamahan ng paghamak at natuon lamang sa usapin ng sinasabing proseso --- walang makikitang paghahati o pagbabaha-bahagi ng kampo mo, kampo nila, kampo natin----walang haliging namamagitan----mas naging mataas sana ang uri ng debate tungkol dito.

Si Yoyoy Villame ay tunay na henyo...karapat-dapat siyang maging National Artist at isa ako sa mga unang sumang-ayon nang ang panukalang ito ay lumutang sa Facebook, nasipat ko sa pahina ng kasamang si Ares.

Si Dolphy ay tunay na henyo din at karapat-dapat sa pagkilala---noon pa man. Ano ba ang kuwento ng pelikulang Filipino kung wala ang mga pahina ng brilyo ng karera ng Hari ng Komedya?

Pero alam ninyo, sa tulad ko, sa ka-henerasyon ko, ke makuha ni Carlo Caparas o hindi ang pagkilalang siya ay National Artist, okey lang naman dahil sa tulad nina Yoyoy Villame at Doplhy...sila ay mga pangalang mananatili na sa kamalayan ng marami sa aking ka-henerasyon.

(Ang mga imahe, unang dalawa sa itaas ay akin--halimbawa ng aking pagdidibuho. Matagal na itong kuha, naisipan ko lang na ilagay. Yung dulo sa ibaba, yung babaeng kay rilag, na tila nakatingala, dibuho iyan ni Carlo J. Caparas.)

Sunday, August 2, 2009

TOUCHED AND COMFORTED BY CORY...




Cory's death brought back memories of love, kindness, courage and love of country.

Allow me to share with you, one story of one person I know, who in normal circumstances would not share this story for fear of being misinterpreted that he's bragging of a past association. The truth is, he would rather keep mum about it.

But when he heard about Cory's death, he remembered this incident as if it happened just the other day, as he allowed himself to succumbed to grief shared by many.

This is his story...

He was not a former cabinet member, not one of the known personalities in the Administration that came after the toppling of the Marcos regime, but this man will never forget and will forever cherished in his heart that just like the powerful men of that administration, he too was trusted by the lady in yellow.

“Minsan, nakakahiya, kasi siya pa ang laging nagpapasalamat sa amin, na para bang siya pa ang may karangalan na nakasama kami. Lagi pa niya kaming tinatanong kung kumain na kami o kung pagod na ba kami. Ganun siya. Mapagpakumbaba,” says Eduardo De Guzman, 53 years old, retired senior cameraman of TV-5 and one of the selected close-in cameramen of President Corazon Cojuangco Aquino under Radio-TV-Malacanang then spearheaded by Maria Montelibano.

De Guzman, as a news cameraman is known for his mild-mannered demeanor, one of the bests in his field, but not one who will come forward and brag about anything, but upon hearing the news of Cory’s death, he felt a deep sense of loss and grief and remembered instantly how for one unforgettable moment, the former president accorded him the highest honor that humbled him.

It was just a day after the devastating earthquake of July 16, 1990, De Guzman was on duty in Malacanang, he came on time, never the type to go absent without a valid reason, but while he was physically present, his mind was somewhere else, worried for what happened to his relatives and his town mates in Gabaldon, Nueva Ecija. “Isa sa mga tinamaan ng lindol noon ang Nueva Ecija, tapos ang nababalita lang yung sa Cabanatuan, kako, paano yung mas malalayong lugar na noong mga panahong iyon, mahirap pang maabot, tulad ng bayan namin sa Gabaldon. Duty ako, pero di ako mapakali,” narrates De Guzman.

De Guzman was worried that the roads maybe blocked and that the supply of food for those in the remote parts of Nueva Ecija like Gabaldon would be scarce. He mustered the courage within him and asked his direct superior, Montelibano, if it’s possible that help could also be extended to those in other parts of Nueva Ecija and not only in Cabanatuan City. Montelibano discussed the matter not with the then Defense Secretary Fidel V. Ramos who is also the Chairman of the National Disaster Coordinating Council NDCC but directly to the president herself.

Montelibano never went back to De Guzman to tell him what happened to his request, not intentionally, De Guzman noted, but due to the hectic schedule that his direct boss had to attend to at that time. That very same day, the president was scheduled to record a statement and he was assigned, as usual to be the studio cameraman.

After President Aquino finished with her statement recorded and for nationwide broadcast related to the earthquake that hit the country in 1990, she walked towards him and smiled. In a motherly way, she placed her hand on his shoulder, tapped it as if to pacify him, “Ed, Huwag ka ng mag-alala, magpapadala tayo ng tulong sa mga kababayan mo. Manalangin ka na walang napinsala sa kanila,” President Aquino told him and then she left the room.

De Guzman recalled that his body shivered and he felt a rush of emotion that humbled him a 100X over. “Akalain mo, nilapitan ako. Hinawakan pa ako sa balikat at tinawag ako sa aking pangalan.” To be called by his first name by the President was a big deal for a production crew like him because De Guzman thought, he probably was just one of the persons in the room, serving at the pleasure of the president. That single gesture validated what they knew all along, that the president they’re serving, trusts them and consider them as part of her family.

Recalling that moment, De Guzman said, it was as if his own mother touched and comforted him.

Later that day, she was called to Montelibano’s office where his direct boss told him, the President has ordered that three truckloads of relief goods be deployed to Gabaldon and nearby remote areas that was also hit by the Earthquake. There was another message for De Guzman, one that really startled and humbled him. “Sabi ni Boss Maria, sabi raw ni presidente, ako na ang magdala ng relief goods sa Gabaldon at sa iba pang bayan na malalayo sa Nueva Ecija.”

And so it was in July of 1990, a cameraman from Malacanang led a relief mission of not just one but three military trucks full of relief goods to the remote towns of Nueva Ecija and it was made possible because the president listened to a plea of someone who thought he was just a face in the crowd, a nobody.

On the day of President Aquino’s burial, De Guzman vowed to serve his president again. “Kahit retired na ako, manghihiram ako ng camera, lalabas uli ako, kukuha uli ako ng video, sasamahan ko ang Sambayang Filipino sa paghahatid sa pangulong tunay na makapangyarihan pero mas matingkad ang pagiging mapagpakumbaba.”

Truly, how can anyone forget and not share this act of kindness that was just one of the many reasons why she is loved by many? (end)

Saturday, August 1, 2009

TANGLAW MULA SA KAIBUTURAN



ANG MGA SUMUSUNOD NA MGA KATAGA AY HINDI MULA SA AKIN, KUNDI HALAW SA PANGULONG TUDLING NG PAHAYAGANG The Philippine Daily Inquirer NA KUNG SAAN ISA RIN SA NAGSUSULAT BILANG MAMAHAYAG ANG INYONG LINGKOD.

LABIS AKONG NAPUKAW NG MGA SALITANG NARITO NA AKO AY NAGKUSANG ITO AY ISALIN SA WIKANG FILIPINO PARA PAG-ALABIN PA ANG KABULUHAN AT KAHULUGAN PARA SA MAS MARAMI NG ILAW NA PINATUTUNGKULAN SA EDITORYAL NA ITO NG PDI.

ITO MUNA BAGO ANG AKING PERSONAL NA PANANAW SA KUNG SINO NGA BA SI DATING PANGULO CORAZON AQUINO PARA SA ATING MGA FILIPINO.



Nang tuluyang maupos ang kandila ng ilaw sa buhay ni Cory Aquino, sa huli at mapait na yugto sa pagamutan kung saan siya nakaratay, ang buong bansa, ang sambayanan, sa isang banda, ay inaasahan na ito. Gayunman, ang balita ng kanyang tuluyan nang pagpanaw ay tinanggap pa rin na may pagkabigla at labis na kalungkutan na naramdaman sa buong bansa, kalungkutan na muling naglapit sa mahirap at mayaman, bata at matanda, partisano at mga walang pakialam, babae at lalake, sundalo at mga sibilyan.
Ang pagkakaisa ay bibihira sa ating bansa, ngayon, nasumpungan natin ito at nakapanlulumong mapagtano na ang kamatayan ni Cory ang siyang nagbuklod sa isang watak-watak na bansa.

Sa kanyang nanginginig na tinig noong 1948, sinabi ni Jawaharlal Nehru sa kanyang mga kababayan ang pagpanaw ni Mahatma Gandhi, at tumatak ang mga katagang ito, “Ang ilaw ay wala na sa ating buhay at ang kadiliman ay laganap.” Walang ibang pambansang personalidad sa kasalukuyan ang gumanap sa papel ng paghahatid ng mapait na balita ng kamatayan ni Cory, sa halip, ito ay nalaman ng publiko sa pamamagitan ng kanyang labis na nagdadalamhating anak na lalake, at mula doon, kumalat na ang balita at ang simula ng pagbabahagi ng mga magagandang alaala.

Nararapat lamang na ihalintulad ang kawalan na isinatinig noon ni Nehru sa pagkawala ng isang Filipina na sinikap ang kanyang kakayanan na gawing isang institusyon ang pagkakaroon ng pulitikang walang bahid ng karahasan sa ating bansa. Si Gandhi ay nagsilbing inspirasyon ng kabiyak ni Cory, at anumang binalak na gawin ni Ninoy, si Cory ang nagpatuloy kasunod ng malagim na pagpaslay sa kanya. Ang kawalan ng karahasan, mula noon, ang naging nangibabaw na kalakaran ng pagpapatupad ng pagbabago sa ating bansa, isang rebolusyon sa kaisipan, na nabigyang buhay sa pamamagitan ng mga panalangin, martsa at mga pagtitirik ng kandila.

Sabi pa ni Nehru, “Ang ilaw na tumanglaw sa bansang ito sa loob ng maraming taon ay patuloy pang magbibigay liwanag sa bansang ito sa mas mahaba pang mga taon,” pagpapatuloy pa nito, “at sa susunod na sanlibong taon, ang ilaw nay an ay makikita hindi lamang sa bansang ito kundi sa buong mundo at magbibigay ito ng kakaibang kapayapaan sa hindi mabilang mga puso.”

Ano nga ba ang ilaw na ito? Ito ay ang munti ngunit matatag na ilaw ng personal na paninindigan at kunsiyensiya na hindi natinag kahit na ang bansa at kahit pa ang mga itinuring niyang pinakamalapit at pinakamahal sa kanya ay lumayo, tumalikod---nakalimot, at bumatikos pa nga, dahil sa ang kanyang asawa ay piniling makulong kaysa sa yumukod sa isang diktador.

Ang ilaw na yan ay nagmumula sa isa pananampalaya na laging nagdadala sa kanya sa dalanginan, hindi upang sumuko o umayon sa brutal na pamamayagpag ng isang diktador, kundi para hingin ang pagkakataong malinis ang selda ng kanyang nakakulong na asawa sa bibihirang pagkakataon na siya ay napahintulutang ito ay bisitahin, na laging nagdala sa kanya sa pagluhod at malalim na panalangin, hanggang sa siya at ang kanyang asawa ay nabuhay sa ibang bansa, sa mga panahon pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang asawa, nang ang kanyang mga kosa ay naging kanya na para isulong at ipatupad.

Ito ay ang ilaw ng kasarinlan, ang hindi matatapakang siga ng demokrasya, ang ilaw ng pag-asam at paniniwala sa Filipino, na nagising mula sa imahe ng kanyang asawang nasa loob ng isang kabaong, buhay na kinitil ng bala ng isang bayarang mamamatay tao, na ilaw na siya ring nagsindi sa iba pang maliliit na siga, hanggang sa unti-unti, ang kadiliman na sumaklob sa bansa mula noong 1972 ay unti-unting napawi.

Ito ang ilaw na hindi kayang gupuin ng anumang kudeta o ng anumang unos hatid ng kalikasan, lalo na ng mga panunuya ng mga taong ang nakita lamang sa kanya ay ang babae, isang balo lang, isang tao lang na ang tanging hinangad ay ibalik ang kapangyarihan sa tunay na nagmamay-ari nito---sa kamay ng taongbayan, para muli, gawin nila ang naisin nila.

Ang ilaw na mula sa kaibuturan ni Cory Aquino ay muling nakita ng lahat nang siya ay bumaba sa puwesto, ang tanging pangulo sa ating kasaysayan na hindi nagpakita ng anumang pagnanasang makamit ang kapangyarihan ngunit naging masigasig sa pagnanais na bitiwan ang kapangyarihang ito, ganap at sa takdang panahon. Ang ilaw na ito ay nagpatindig sa kanya sa tuwing ang demokrasya ay nasa balag ng alanganin, pinalakpakan siya dito, meron namang hindi dumating sa pagkaunawa kung ano nga ba ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Ang di pagkaunawang ito ay mula sa mga kritikong hindi inabot ng kislap ng ilaw na ito, ilaw mula sa kanyang kaibuturan, na hindi kailanman naghangad ng anumang kasikatan na tatak ng isang pulitiko.

Ang ilaw na ito ay nakuha natin mula kay Ninoy at Cory, ilaw na ipinasa natin mula sa isa, hanggang sa isa, at sa sumunod pa, hanggang sa sinabi natin sa ating mga sarili na mas maiman ang magsindi ng kandila kaysa kasuklaman ang kadiliman. Ito ang ilaw na ipinagdiriwang sa natatanging yugto ng pagkatubos at pagwawagi ng ating bansa.

Ngunit sa ngayon, ang mga puso ay mabigat, at ang magaganap ay pagpapaalam, mula sa kahamak-hamakan hanggang sa kagitigan ng parangal ng Estado, ngunit sa kabuuan, lahat tayo---tulad niya---mga humawak at natanglawan ng ilaw, ilaw na hindi mapapanglaw, hanggat ang pag-ibig sa kalayaan at kasarinlan ay nananahan sa ating mga puso---na umiiral ngayon, panghabambuhay na tanglaw—sa puso nina Cory at Ninoy.

At para sa mga nalalabi pa----sa gitna ng seremonya at pagkilala sa pagpanaw ng isang dating naging lider ng estado---ang kanyang huling habilin na ipinabot sa kanyang pamilya ay tiyak at detalyado:Ang mga kanyon ng militar ay nagsipag-ingay para sa kanilang pagpupugay, ang mga watawat at ibababa sa kalagitnaan, isang sundalo ang magbabantay sa kanyang labi. Ang lahat ng mga karangyaan ng parangal na inasam-asam ni Ferdinand Marcos, sa kanyang likas na kapayakan, lahat ng iba pa ay tinanggihan ni Cory. Ang tanging saliw at kasama niya sa kanyang huling himlayan, sa tabi ng kanyang pinakamamamahal na si Ninoy, ay dili’t walang iba kundi ang dahilan kung bakit namatay si Ninoy at dahilan kung bakit siya nabuhay at nagpatuloy, tayo, ang sambayanan, na walang paguuri sa kung ano ang kalagayan sa buhay o kung saan tayo nagmula.

Katulad noong 1983, ganun din nga ngayong 2009: Si Cory, at ang sambayanan, magkasama para ipamalas na ang tunay na kapangyarihan, ang kaluwalhatian at ang kagitingan ay wala sa puwestong ibinigay ng mga nasa puwesto kundi mula sa mga taong malayang nagbigay sa iyo nito. At tulad nga noong 1986, nangyayari ngayon, tayo ay muling nagkaisa, sa mga lansangan, sa alaala at sa pagmamahal sa ating walang pagmamaliw na ilaw, si Cory. Hayaang ang mga araw na ito n gating pagluluksa ay mga araw din ng paggunita, ng muling paglasap, kahit sandali lamang, ng napakailap na pagkakaisa ng bansa na labis nating hinahangad.

At muli, tayo ay muling lumakad, mag-martsa, tulad ng ginawa natin noon----hindi lamang para mamamaalam, ngunit para ipagpatuloy ang pagtahak sa daang marami na ang nakalimot: ang daan ng isang hindi matatawaran, hindi nasusukat at hindi maglalahong dedikasyon na ipaglaban an gating kasarinlan. (wakas)